Nag-evolve na ang gaming mula sa simpleng libangan papunta sa isang kumikitang opsyon sa pagtatrabaho. Ito ay nag-aalok ng iba't ibang daan tulad ng playtesting, streaming, at pagsali sa mga propesyonal na liga. Ang mga playtester ay tumutulong sa pag-pino ng mga laro sa pamamagitan ng pag-kilala ng bugs. Sa kabilang banda, ang mga streamer ay nag-eentertain ng manonood sa iba’t-ibang plataporma tulad ng YouTube at Twitch, at kumikita sa pamamagitan ng ads at sponsorships. Ang mga propesyonal na manlalaro ay nakikipagkumpetensya sa mga tournament, kumikita mula sa mga premyo, endorsements, at salaries. Ang mga success stories sa gaming ay nagbibigay inspirasyon. Pinapakita nito na may mga indibidwal tulad ni PewDiePie na naging milyonaryo sa pamamagitan ng streaming. Ang mga professional gamers sa eSports teams, tulad ni OG's Johan "N0tail" Sundstein, ay kumita ng milyon-milyon mula sa tournament winnings lang. Ipinapakita nito ang potensyal para sa mas malaking tagumpay sa industriya ng gaming. Basta ba may kasanayan, dedikasyon, at personality ka, magsastand out ka talaga. Pero, marami ang pagsubok pag pumasok ka sa karera ng gaming. Maraming gamers ang nakakaranas ng professional burnout at maagang nagreretiro na nagpapakita sa kahalagahan ng pagpaplano para sa buhay pagkatapos ng gaming. Sa kabila ng nakakaakit na kita, mahalaga na isaalang-alang ang sustainability ng ganitong career at ang kahalagahan ng financial planning para sa iyong kinabukasan.
  • Articles
  • Ang Kumikitang Mundo ng Professional Gaming
1 / 3

Ang Kumikitang Mundo ng Professional Gaming

Nag-evolve na ang gaming mula sa simpleng libangan papunta sa isang kumikitang opsyon sa pagtatrabaho. Ito ay nag-aalok ng iba't ibang daan tulad ng playtesting, streaming, at pagsali sa mga propesyonal na liga. Ang mga playtester ay tumutulong sa pag-pino ng mga laro sa pamamagitan ng pag-kilala ng bugs. Sa kabilang banda, ang mga streamer ay nag-eentertain ng manonood sa iba’t-ibang plataporma tulad ng YouTube at Twitch, at kumikita sa pamamagitan ng ads at sponsorships. Ang mga propesyonal na manlalaro ay nakikipagkumpetensya sa mga tournament, kumikita mula sa mga premyo, endorsements, at salaries.

Back