Ang paggawa ng namumukod-tanging resume ay importante, ikaw man ay bagong grad o isang beterano na naghahanap ng bagong trabaho. Tandaan, walang universal na resume. Kailangan itong pasok sa trabahong inaapplyan mo. Hindi lang ito basta-bastang dokumento, ito ang iyong ticket papunta sa susunod na hakbang ng recruitment process, kaya galingan mo! Simulan sa basics: pangalan mo, taga-saan ka, at paano ka ma-contact. Sunod, ilahad kung ano ang meron ka - ang iyong layunin, educational background, at kahit anong awards o mga leadership roles na nakamit mo dati. Hindi lang ito basta listahan ng iyong mga nagawa, ito'y pagpapakita sa iyong potential employers na kaya mo. Para sa mga may experience, ang iyong work history ang iyong lakas. I-highlight ang mga dati mong trabaho, kung ano ang na-accomplish mo, at paano ito nauugnay sa trabahong ina-applyan mo. Sa mga fresh grads, wag mag-alala kung konti lang ang experience section. Kung ganito bigyan ng dagdag na pansin ang mga internship o entry-level na trabaho. At, wag kalimutang ipakita ang iyong skills, baka ito pa ang cherry on top sa pag-aapply mo ng trabaho.
  • Articles
  • Gabay sa Paggawa ng Iyong Resume
1 / 3

Gabay sa Paggawa ng Iyong Resume

Ang paggawa ng namumukod-tanging resume ay importante, ikaw man ay bagong grad o isang beterano na naghahanap ng bagong trabaho. Tandaan, walang universal na resume. Kailangan itong pasok sa trabahong inaapplyan mo. Hindi lang ito basta-bastang dokumento, ito ang iyong ticket papunta sa susunod na hakbang ng recruitment process, kaya galingan mo!

Back