Ang NDC Industrial Estate ay isang makabagong proyekto na sumasaklaw sa 19.2 hectares at nakatakdang maging isang Special Economic Zone sa ilalim ng PEZA. Ang inisyatibong ito ay itinatag upang magbigay ng interes sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan sa pamamagitan ng pag-aalok ng magandang imprastruktura, nakaka-engganyong tax incentives, at isang masiglang ekonomiya at isang business-friendly na kapaligiran. Layunin nitong pasiglahin ang industrialisasyon, stimulahin ang lokal na ekonomiya, at makagawa ng magandang oportunidad para sa mga Pilipino. Nag-iinnovate din ang NDC sa pamamagitan ng commercial Multi-Purpose Gamma Irradiation Facility (GIF) sa Pilipinas, na nagrerebolusyon sa proseso ng dekontaminasyon at sterilisasyon para sa mga pagkain at ibang bagay. Sa paggamit ng gamma irradiation, pinahuhusay ng pasilidad ang kaligtasan at kalidad ng produkto, pinalalawig ang shelf life, at binabawasan ang basura. Sa madaling salita, hinahanay ang Pilipinas sa kung ano ang international standards. Bukod dito, nagtatatag ang NDC ng sariling vaccine manufacturing facility sa Pilipinas bilang tugon sa global health crisis. Layunin ng proyektong ito na gawing independiyente ang bansa sa produksyon ng bakuna, upang mapalawak ang pagkakaroon ng abot-kayang produkto. Ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa paglalagay sa Pilipinas bilang isa sa mga lider pagdating sa healthcare innovation.
  • Articles
  • Mga Nangungunang Proyekto ng NDC para sa Kinabukasan ng Pilipinas
1 / 3

Mga Nangungunang Proyekto ng NDC para sa Kinabukasan ng Pilipinas

Ang NDC Industrial Estate ay isang makabagong proyekto na sumasaklaw sa 19.2 hectares at nakatakdang maging isang Special Economic Zone sa ilalim ng PEZA. Ang inisyatibong ito ay itinatag upang magbigay ng interes sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan sa pamamagitan ng pag-aalok ng magandang imprastruktura, nakaka-engganyong tax incentives, at isang masiglang ekonomiya at isang business-friendly na kapaligiran. Layunin nitong pasiglahin ang industrialisasyon, stimulahin ang lokal na ekonomiya, at makagawa ng magandang oportunidad para sa mga Pilipino.

Back