Mahalaga ang “interest rates” sa mundo ng pananalapi. Ito ay nagbibigay ng malaking impluwensya sa ekonomiya sa pamamagitan ng paghikayat sa mga indibidwal at negosyo na kumuha ng mga utang para sa bahay, kotse, o personal na gamit. Ito ang mga “rates” na binabayaran ng mga nangungutang bukod pa sa principal amount. Ito ay nakakaapekto kung magkano ang iyong kabuuang babayaran pabalik sa mga bangko o financial institutions. Ang pagtukoy sa interest rates ay higit na nakakaapekto sa supply at demand ng credit sa money market. Ang mataas na demand o mababang supply ng credit ay nagreresulta sa mas mataas na interest rates, habang ang mababang demand o mataas na supply ay nagreresulta sa mas mababang rates. Ang dinamikong ito ay may mahalagang papel sa panhihiram ng pera at sa anumang sensitibong bagay sa pag-iipon. Hindi direktang nireregulate ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rates ng bangko pero itinatakda nito ang mga key policy rates na nakakaapekto sa kabuuang gastos ng pagpapahiram at paghiram. Gayunpaman, maaaring kumilos ang BSP kapag may economy crisis upang magregula ng mga rates, tulad ng pag-limita nito sa singil sa mga credit card noong panahon ng pandemyang COVID-19.
  • Articles
  • Pag-unawa sa Interest Rates: Paano Ito Gumagana at Ang Epekto Nito
1 / 3

Pag-unawa sa Interest Rates: Paano Ito Gumagana at Ang Epekto Nito

Mahalaga ang “interest rates” sa mundo ng pananalapi. Ito ay nagbibigay ng malaking impluwensya sa ekonomiya sa pamamagitan ng paghikayat sa mga indibidwal at negosyo na kumuha ng mga utang para sa bahay, kotse, o personal na gamit. Ito ang mga “rates” na binabayaran ng mga nangungutang bukod pa sa principal amount. Ito ay nakakaapekto kung magkano ang iyong kabuuang babayaran pabalik sa mga bangko o financial institutions.

Back