Nangyayari ang kawalan ng trabaho kapag ang mga indibidwal ay hindi makahanap ng trabaho. Ito ay nagsisilbing isang mahalagang pahiwatig ng kalusugan ng ekonomiya. Ang unemployment rate ay sumusukat sa porsyento ng mga walang trabaho sa labor force. Alinsunod nito, ito ang karaniwang ginagamit para sukatin ang penomenong ito. Nakakatulong ito sa pag-unawa kung ang ekonomiya ay umuunlad o nahihirapan. Kung kaya, ang mataas na bilang ng unemployment rate ay nagpapahiwatig ng mahinang ekonomiya at mababang rates. Nagmumungkahi ito na dapat palakasin ang anumang aktibidad sa ekonomiya. Mayroong ilang uri ang kawalan ng trabaho. Kabilang dito ang frictional, cyclical, structural, at institutional. Bawat isa ay may natatanging mga sanhi at implikasyon. Nangyayari ang frictional unemployment kapag ang mga tao ay nasa pagitan ng mga trabaho. Sa kabilang banda, ang cyclical unemployment ay nakaugnay sa pagbagsak ng ekonomiya. Ang structural unemployment naman ay nagmumula sa mga pagbabagong teknolohikal na nagpapawalang-bisa sa ilang mga trabaho. At ang panghuli, ang institutional unemployment ay sanhi ng pangmatagalang mga kadahilanan tulad ng mga patakaran ng gobyerno o mga institusyon ng mga manggagawa. Sinusubaybayan ng gobyerno ang kawalan ng trabaho sa pamamagitan ng mga survey at bilang ng census. Nag-aalok din ng insurance ang gobyernno sa mga nawalan ng trabaho sa mga karapat-dapat. Halimbawa, ang U.S. Bureau of Labor Statistics, ay nagsasagawa ng survey kada buwan para tantyahin ang rate ng pagkawala ng trabaho. Ang pag-unawa sa mga panukat na ito at ang mga uri ng kawalan ng trabaho ay maaaring magbigay ng insights sa kondisyon ng ekonomiya. Ito rin ay mabisang patakaran na naglalayong bawasan ang kawalan ng trabaho.
1 / 3

Pag-unawa sa Kawalan ng Trabaho

Nangyayari ang kawalan ng trabaho kapag ang mga indibidwal ay hindi makahanap ng trabaho. Ito ay nagsisilbing isang mahalagang pahiwatig ng kalusugan ng ekonomiya. Ang unemployment rate ay sumusukat sa porsyento ng mga walang trabaho sa labor force. Alinsunod nito, ito ang karaniwang ginagamit para sukatin ang penomenong ito. Nakakatulong ito sa pag-unawa kung ang ekonomiya ay umuunlad o nahihirapan. Kung kaya, ang mataas na bilang ng unemployment rate ay nagpapahiwatig ng mahinang ekonomiya at mababang rates. Nagmumungkahi ito na dapat palakasin ang anumang aktibidad sa ekonomiya.

Back